Search

Unknown Story

Copy this Storyboard
Unknown Story

Storyboard Text

  • Madaling araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang kanyang anak na si Nati at ang pamangking si Pilang.
  • Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang. Nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi.
  • Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sasapuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibo na lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote.
  • Lihim na nagkasubukan sa pag aararo sina Ore at Pastor. Malaki na ang kanilang nararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya ito nahuhuli, Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kanyang kalabaw dulot ng sobrang pagod.
  • Tumigil si Pastor at kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore naman ay himimas-himas ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abot-abot sa paghinga.
  • Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kanila Nati at Pilang. Si Pastor naman ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore.
  • Sa huli nagwakas ang kwento sa pahiwatig na bagamat natalo si Ore sa pag aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family