Mullah Nassreddin Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Siya ay si Mullah Nassreddin ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.
Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
"Kung gan'on ay wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,”
Isang araw ay naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Bago siya magsimula ay kanyang itinanong kung;
"Hindi po."
At tuluyan na siyang umalis, kaya naman ay nahiya ang mga tao sa kanilang kamangmangan, kaya’t muli nilang inimbita si Nasreddin upang magsalita kinabukasan.
"Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?"
"Hindi po."
“Ay! Kung alam n’yo na kung ano ang aking sasabihin, hindi ko na aaksayahin pa ang inyong oras.”
At dahil inimbitahan ulit si Mullah Nassreddin ay tinanong ulit niya ang mga tao kung alam na ba nila ang kanyang sasabihin.
“Oo"
Talagang sobra na ang pagkalito ng mga tao. Nagpasya silang anyayahan ng isa pang beses si Nasreddin, at pinaghandaan nila ang kanilang isasagot.