Marsha, nadinig mo ba ang ipinaliwanag ni mam, tungkol sa mga pag babago ng babae't lalaki pagdating sa puberty period.
Oo John, napakalaking bagay na malaman ko ang mga dahilan ng pagbabagong pisikal, emosyonal, espiritwal, sosyal at mental ng bawat taong dumaraan sa teenager o adolescent. Hindi pala dapat ito ikahiya o itanggi dahil ito'y bahagi ng pagtuntong ng adulthood na dapat handa sa mga aspetong emosyonal, sosyal, pisikal, mental at espiritwal.
Ganoon nga, sa aming lalaki ang hormones na testosterone ang responsable sa amin bilang lalaki, subalit, pareho lang tayong may mga pagbabagong pisikal at ibapang aspeto. Wala nga lamang kaming hudyat na tulad ng regla para sa matured gametes para sa paghahandang sexual.
Sa aming babae, ang pinaka mahalaga ang regla o menstruation o buwanang dalaw na hudyat na kami'y may matured egg na puwedeng magka baby. Bukod pa rito ang pag-umbok ng dibdib, balahibo sa piling bahagi, pakurbang katawan, paglapad ng balakang at marami pang pagbabago bukod sa pisikal. Ito raw ay dahil sa estrogen at progesteron na hormones na mayroon kami.
Tunay ngang maraming pagbabago tulad ng pagnanais ng makagawa ng sariling desisyon, matampuhin, pala-kaibigan at ang pagkakaroon ng paghanga sa kasalungat na gender.
Dahil sa kaalamang ito, nakasisiguro akong hindi ako maliligaw sa takbo ng pagbabago sa aking sarili sa kilos, salita at desisyon.
Oo nga Marsha, napakabunga ng inilahad sa atin ng guro. Sulit na sulit ang araw natin.
Kaysarap ng may-alam at hindi tayo malilinlang ng mga pagbabago sa atin.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!