Ako ay di- sang-ayon na may epekto ito sa mga mag-aaral. Sa panahon natin ngayon, marami nang mga makabagong teknolohiya ang nabuo. Isa na dito ang internet at social media kung saan ay nakakatulong sa atin ang paggamit nito sa pag-aaral, pagsasaliksik at komunikasyon.
Katulad na lamang ngayon na may pandemya tayo na kinakaharap at hindi pa muling nagbubukas ang mga paaralan, ito lang ang paraan upang magkaroon tayo ng chansa na magpatuloy sa pag-aaral pati din upang magkaroon ng komunikasyon sa ating mga kaibigan, guro,kaklase, at pamilya.
Ako’y sumasang-ayon, maraming mga bata ang nabababad sa social media at hindi ito nakakabuti sa katawan. Hindi sila makatutok ng ayos sa pag-aaral dahil nakababad sila sa social media. Ngayong pandemiya maraming nagkalat na mga maling impormasyon o mga bagay na hindi angkop sa ating edad.
Hindi natin masisigurado kung ligtas o tama lahat ng nakikita natin sa social media. May mga panahon rin na may mga nagpopost o nagbabahagi ng mga bagay na hindi dapat ibahagi sa publiko.
Ang paggamit ng social media ay hindi masama sa mga mag-aaral ngunit dapat na maging responsable sa paggamit nito. Kaya bago maniwala sa mga nagkalat na impormasyon sa social media ay dapat na magsaliksik at humanap ng tamang mapagkukunan ng impormasyon.
Dapat din limitahan at maglaan lang ng konting oras sa paggamit ng social media dahil ang sobra ay nakakasama.
Dahil rin sa social media, nagkakaroon ang ilang mag-aaral ng “mental illness” katulad ng depresyon at anxiety. Sa mga nakikita nila sa social media iniisip nila na hindi sila angkop o nabibilang sa kanila.
At mayroon rin na mga mag-aaral na binabago ang kanilang sarili dahil sa mga nakikita nilang mga larawan.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!