Search

Unknown Story

Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Ang kural na siya lamang ibinigay ng mga tao para maging tahanan ng Manlilikha ay siksikang-siksikan. Nagtutulakan,naggigitgitan, nagkakatapakan, at napapasigaw sa sakit ang mga tao. Nag-aagawan ang marami para makasawak ng daliri sa benditadong tubig na kulay putik na ngayon na ipapahid sa kanilang batok, leeg, ilong, noo, baba, dibdib, at pusod.
  • Maari ngang benditadong tubig yan, pero kung ganyan naman karumi ay...
  • Aray! Sinong tumapak sa paa ko!
  • Napakahirap huminga. Parang nananakal ang init. Naninigid ang anghit at amoy-pawis. Pero naisisyahan ang pari sa pangyayaring ito. Napabulalas si Pilosopong Tasyo.
  • Dalawang daan at limampung piso para sa isang sermon! Para pakinggan ang iisang tao lamang! Aba, e, ikatlong parte lamang ng halaga niyon ang kabuoang tinatanggap ng lahat ng gumanap sa entablado sa loob ng tatlong gabi.
  • Tama rin naman kayo. Kung ako ang tatatungin, higit ngang katawa-tawa ang sermon kaysa sa palabas sa entablado. 
  • Naniniwala ako sa iyo!
  • Para naman sakin, hindi man lang ako natawa sa palabas sa entablado!
  • Ano naman ang kaugnayan ng sermon sa pagtatanghal sa entablado? Ang palabas sa entablado ay nagbubulid sa kaluluwa sa impiyerno. Ang sermon ay naghahatid sa kaluluwa sa langit. Kahit na isang libong piso pa ang hiningi ng pari ay magbabayad kami...at siguro ay may utang pa kami.
  • Pawis na pawis na at naghihikab ang mga tao sa paghihintay sa pagdating ng gobernador. Panay ang kanilang paypayan ng panyo, abaniko, at sombrero. Nag-iiyakan na ang mga bata. Pagod na pagod ang mga sakristan sa pagtataboy sa kanila sa labas ng simbahan. Sa nakitang iyon ay hindi nakatiis na hindi magsalita ang sakiting direktor ng Confraternity of the Most Holy Rosary. Dalawa sa mga nakinig sa direktor ay sina Sister Pute at ang kanyang apong babaeng anim taon gulang.
  • Makinig kang mabuti, hoy! Mapapakinggan mo ang sermong tulad ng napakinggan mo noong Biyernes Santo.
  • Totoo ngang sinabi ng Panginoong Hesukristo na 'Bayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata.' Pero sa kagkakataong ito ay mauunawaan nating ang tinutukoy niya ay yaong mga hindi umiiyak.
  • Hindi nagtagal at ang gobernador, kasama ang kanyang tauhan, ay pumasok mula sa sakristiya. Umupo siya sa iisang mamahaling silya na nakapatong sa alpombra. Pormal at opisyal ang kanyang suot. May sabit pa siyang banda ng Dakilang Krus ni Charles III at may apat o limang iba pang dekorasyon o medalya. Hindi siya kilala ng mga tao.
  • U...! Iyan si Prinsipe Villardo na napanod natin kagabi sa entablado.
  • Tingnan n'yo! Isang guardia civil na suot-artista!
  • Nagsimula ang misa. Nagsitayo ang mga nakaupo at nagising ang mga natutulog sa ingay ng kampanilya sa altar at sa awitin ng koro. Siyang-siya naman si Padre Silva sapgkat ang mga katulong niya ay ang diyakono at sub-diyakono na kapwa Agustino. Halinhalin sa pagkanta ang dalawang katulong. Kung minsan ay parang nagdaraan sa ilong at hindi naman maiintindihan. Si Padre Salvi naman ay madalas na wala sa tono pero kahanga-hanga ang kilos at galaw. Hangang-hanga si Kapitan Tiago kay Padre Salvi. Sa tingin niya, mas mukhang kagalang-galang pa ito sa artistang gumanap sa emperador sa pinanood niyang palabas sa entablado noong nagdaang gabi.
  • Hindi mapag-aalinlangan. Sinuman sa aming mga kura paroko ay higit na mahusay at kahanga-hanga pagsama-samahin mang lahat ang emperador.
  • Sa wakas dumating din ang sandaling pinakahihintay ng lahat, ang pagsersermon ni Padre Damaso. Humanda sa pakikinig ang lahat. Pumasok si Padre Damso na pinagungunahan ng dalawang sakristan at may kasunod na isang paring may dalawang mlalaking kuwaderno. Umakyat siya sa pulpito. Inilinga niya ang paningin at medyo umubo. Nakita niya si Ibarra at sa pamamagitan ng pagkindat ay tiniyak niyang hindi niya kalilimutan ang binata sa kanyang panalangin. Buong kasiyahang pinukol ng tingin ni Pade Damaso sina Padre Sibyla at Padre Martin na siyang nagsermon nang nagdaang araw. Nang makompleto ang kanyang pagmamasid ay binalingan ang kasama.
  • Handa na, kapatid!
  • Binuksan ng huli ang kuwaderno. Isang binatang nag-aaral ng stenography at mahilig makinig ng sermon ay nag-rekord sa sermon ni Padre Damaso. - E N D -
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family