Sumunod si Don Juan na bumaba ng balon, hindi katulad ng kaniyang mga kapatid hindi siya sumuko. Nang marating ni Don Juan ang pinakailalim nito nakita niya ang isang palasyo yari sa ginto at pilak.
Nakita ni Don Juan si Donya Juana at agad siyang nahulog para sa prinsesa, nahulog din ang puso ni Donya Juana kay Don Juan ngunit itinago niya ito.Hindi nagtagal inamin ni Donya Juana na mahal niya rin si Don Juan. Mayamaya pa mayroong higante na nagpakita at sinabi na kakainin niya si Don Juan. Hindi nasindak si Don Juan at nakipaglaban siya sa higante, natalo niya ito gamit ang sandata niya.
Slide: 2
Niyaya ni Don Juan ang prinsesa na pumunta sa kinayang kaharian,ngunit may agam-agam ang prinsesa.Sinabi ni Donya Juana kung ano ang nagpapaalala sa kaniya, sinabi ng prinsesa na nasa palayso pa ang bunsong kapatid niya.Nagpunta agad si Don Juan sa palasyo at nakita niya na ito’y nakabalot sa ginto,meron din perlas at rubi sa bintana nito.
Slide: 3
Nabighani si Don Juan sa nakita niyang prinsesa.Sinubok ng prinsesa kung marangal ang puso ni Don Juan, nagtagumpay si Don Juan.Mayamya pa dumating ang serpyente at naglaban ang dalawa. Kahit naputol ni Don Juan ang ulo ng serpyente agad naman ito tumutubo muli.Binigyan ni Leonora si Don Juan ng blasmo at sinabi na pag naputol mo ang ulo ng serpyente agad mo ito buhusan. Ginawa ito ng prinsipe at agad namatay ang serpyente.