Sa kagustuhan ni Haring Ahmad ay nakulong at ikinadena si Liongo. Ngunit bilang isang magaling na makata, nakaisip si Liongo ng papuri.
Maganda at abala pa sila sa pag-aawit ng papuri
Habang abala ang mga tagabantay sa pag-aawit ng parirala, dali-dali siyang nakahilagpos sa tanikala at tumakas
Sa isang bayan sa pito na nasa baybaying dagat ng Kenya ay naroon isinilang ang isang mala-higante at hindi basta-bastang nasusugatang lalake, si Liongo.
Ako rin ang pinaka mahusay na makata rito. Masasabi mong napakalakas ko na, ngunit mayroon din akong kahinaan.
Tanging si Liongo lamang at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakakaalam ng kahinaan niyang ito.
Kung ako may matamaan ng karayom sa aking pusod, ikakamatay ko iyon.
Ako ang hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o Isla ng Pate. Nagtagumpay rin ako sa pagsakop sa trono ng Pate galing sa aking pinsan na si Haring Ahmad.
Sa kaniyang pagsakop, mula sa Matrilinear ay naging Patrilinear na ang pamamahala. Sobrang ikinagalit naman ni Haring Ahmad ang nangyari
Nanirahan siya sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan.
Ang paligsahan pala ay pakana ng Hari upang si Liongo ay madakip at makulong, ngunit sa kaniyang kalakasan ay muli rin siyang nakatakas.
Nagsanay ako ng mabuti sa paghawak ng busog at palaso. At ako'y nanalo sa isang paligsahan sa pagpana
Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya.
Kakaunti lang ang nakakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala o Wagala.
Kalaunan ay nagkaanak sina Liongo. Ibinunyag din ni Liongo ang kaniyang kahinaan sa kaniyang kaisa-isang anak.
Sapagkat ang katapatan ng kaniyang anak ay nanatili sa pamilya ng kaniyang ina, nagtraydor ito at itinusok ng karayom ang pusod ng Liongo na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.