Nag apply ako sa isang manufacturing company dito sa Pilipinas. Tapos natanggap ako bilang isang Quality Control Inspector nung Febuary 10, 1999.
Sa kabutihang palad, makalipas ang apat na buwan isa ako sa napili ng aming kompanya pinadala ako sa aming sister company sa Omiya, Saitama ken Japan.
Unang araw ko sa pagtatrabaho bilang isang manggagawa dun sa Japan, nahihirapan ako dahil sa lingwahe na ginagamit duon. Kailangan ko pang mag aral ng kanilang salita. At hindi maiiwasan ang racial discrimination, at mas masakit pa dun kapwa Pilipino ang naninira.
Makalipas ng ilang buwan, nakakapadala na ako ng pera para sa aking pamilya. Pinapa-aral ko na rin ang aking mga kapatid. Mas nakakahalobilo ko na rin ang aking mga katrabaho.
Nang dumating yung araw na nakatakda akong umuwi sa Pilipinas dahil tapos na aking kontrata, ako ay nang hihinayang dahil syempre mas malaki ang kita duon kompara dito sa Pilipinas.
Subalit kahit maliit ang sahod basta kasama mo ang pamilya at mahal mo sa buhay.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!