Si Lucas ay pumunta kay Padre Salvi para isangguni ang marapat na katarungan para sa kanyang kapatid. Pilit pinapatulo ni Lucas ang kanyang luha at umarte pang tila kawa-awa upang kahabagan siya ng pari.Napuna ng kura ang kanyang pagkukunwari, kaya pakutya siyang nginitian nito.
Padre, ako po ang kapatid ng nasawi noong pista. Pinuntahan ko po si G. Ibarra noong isang arawngunit ako po'y kanyang sinipa at pinaalis, sapagkat Kamuntik na siyang namatay nang dahil sa aking kapatid. Bumaliks po ako kahapon, ngunit nakaluwas na po siya. Nag-iwan po siya ng 500 piso para sa akin, at mahigpit na ipinagbiling huwag na akong babalik Sana'y pagpayuhan po ninyo ako. Batid ko pong ang mga alagad ng Diyos ay mabuting magbigay ng payo
Umuwi ka na at pasalamatan mo si G. Ibarra, sapagkat hindi ka niya ipinabilanggo. Sulong layas!
Naging malakas ang pagsigaw ni Padre Salvi.Umalis si Lucas na bumubulong. Dumalo naman ang lahat ng panauhin ni Kapitan Tiyago nang marinig ang sigaw ni Padre Salvi. Tinanong nila kung anong nangyari
Isang hampas lupa ang ayaw magbanat ng buto at humihingi ng limos.