Unknown Story

Updated: 10/12/2021
Unknown Story

Storyboard Text

  • Magandang umaga, ginoo! Ipagdarasal ko ang pagkasabatas ng iyong isinusulong.
  • Tunay ngang maganda ang umaga, ginoo! Ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyong panalangin.
  • Simulan na ang talakayan hinggil sa pagsasabatas ng Panukalang Batas blg. 20211 o ang "Pagbibigay ng Dagdag Seguridad sa mga Mag-aaral Online"
  • Ayon sa Check Point Research, tumaas ng 168, 550 ang bilang ng mga estudyanteng nakaranas ng banta ng mga hackers noong 2020.
  • Interaksyunal - Tuluyan na ngang nagdulot ng pagbabago ang pandemya ng COVID-19 sa buhay ng mga tao, pati na rin sa sektor ng edukasyon. HIndi pa maaaring ipagpatuloy ang pagbubukas ng mga paaralan kaya naman magiging "online" na lamang ang pag-aaral. Ito ang naging dahilan para magsulong ng batas si Senador Juan Pablo ng batas na makatutulong sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
  • Masisiguro ba na maipapatupad nang maayos at epektibo ang naturang batas, Sen. Juan Pablo?
  • Oo, Sen. Simon. Nararapat lamang na maipatupad ang batas na ito para sa kapakanan ng mga kabataan!
  • Regulatori - Pinasinayahan na ni Sen. Pedro, ang Pangulo ng Senado, ang pagtalakay sa batas na isinusulong ni Sen. Juan Pablo. Ito ang Panukalang Batas blg. 20211 o ang "Pagbibigay ng Dagdag Seguridad sa mga Mag-aaral Online."
  • Pormal ng itinataas ng Senadong ito ang Panukalang Batas blg. 20211 o ang "Pagbibigay ng Dagdag Seguridad sa mga Mag-aaral Online" ngayong Oktubre 12, 2021!
  • Representatibo - Naglatag ng datos ang ating bidang senador upang bigyang representasyon at suporta ang kanyang isinusulong na panukalang batas.
  • Mabuhay ang Pilipinas at ang seguridad ng mga mag-aaral "online!"
  • Hueresitiko at Instrumental - Naisipang magtanong ni Sen. Simon upang mas mabigyang kaliwanagan pa ang panukalang batas na isinusulong ni Sen. Juan Pablo, na malugod naman niyang binigyang kasagutan.
  • Representatibo - Makalipas ang ilang sesyon at pagboto ng mayorya ay pormal ng itinaas ng Senado ang naturang panukala, at hinihintay na lamang ang pirma ng pangulo bago ito tuluyang maisabatas at maipatupad.
  • Interaksyunal - At tuluyan na ngang naisabatas ang panukalang isinulong ni Sen. Juan Pablo na siyang makapagbibigay ng kaligtasan at seguridad sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral "online" ngayong pandemya!