ISANG ARAW, NAGLALAKAD SI MATHILDE SA PARKE NANG MAKITA NIYA ANG ISANG PAMILYAR NA BABAE. ITO AY ANG KANIYANG KAIBIGAN NA SI MADAME FORESTIER. SAMPUNG TAON NA ANG NAKARARAAN NANG HULI SILANG MAGKITA KAYA NAMAN WALANG PAG-AALINLANGAN NIYA ITONG NILAPITAN. NARITO ANG HINANTUNGAN NG KANILANG PAG-UUSAP...
May ipagtatapat ako sa'yo, naiwala ko ang ipinahiram mo'ng kuwintas noon, at labis kaming naghirap sa paghahanap ng ipambabayad dito.
Ibig mo ba'ng sabihin na ang binalik mo'ng kuwintas ay purong dyamante? o, kahabag-habag ko'ng mathilde! Isang imitasyon lamang ang ipinahiram ko sayong kuwintas noon! ito'y gawa lamang sa puwit ng dyamante!
MAKALIPAS ANG ILANG SANDALI AY NAGPUNTA ANG MAGKAIBIGAN SA ISANG RESTAURANT UPANG MAKAPAG-USAP NG MASINSINAN. DITO AY HINAYAAN NILA ANG KANILANG MGA .DAMDAMIN NA MAG-USAP AT IPAALAM ANG PAGMAMAHAL SA ISA'T ISA
Ako ay lubos na nagagalak na makita ka'ng muli Mathilde, matapos ang mahabang panahon. Akala ko'y wala ng pag-asa na tayo'y muling magkita, aking kaibigan. Sobra ang pag-aalala ko sapagkat hindi na kita mahagilap, at ngayon naman ay nahahabag ako sa'yong sinapit.
Miski ako ay hindi makapaniwala. Mahabang panahon ang ginugol namin ng aking asawa upang matugunan ang aming mga bayarin at pangangailangan.
Ako'y labis na nagsisisi! Sana'y natulungan kita...
Huwag ka'ng mag-alala, hindi kita sinisisi at lubos akong masaya na makita ka.
SA LOOB NG ILANG TAON AY NATUTUNAN NI MATHILDE NA ISANG PAGKAKAMALI ANG PAGIGING MAKASARILI NIYA NOON. AT ANG NAGING PAG-UUSAP NILA NI MADAME FORESTIER AY MAS NAGPALIWANAG SA KANYANG ISIPAN. NATUTUNAN NIYANG HINDI NIYA KAILANGAN NG MAGAGARANG KASUOTAN UPANG SUMAYA, DAHIL ANG MAKASAMA AT MULING MAKITA ANG KANIYANG MGA MAHAL SA BUHAY AY SAPAT NA.
Sinoman ay hindi nararapat na maghirap maliban na lamang kung sila'y nagksala at isa na 'ko ro'n...naging sakim ako at alam ko'ng ako'y nagkamali...
Tayo ay naghirap ng sampung taon nang dahil sa kuwintas na isang imitasyon lamang..ang balitang ito ay nakagigimbal at kay hirap paniwalaan. Tunay ba'ng nararapat sa atin ang paghihirap na dinanas?
Ang tanging magagawa ko na lamang ay ang tanggapin ang nangyari at patuloy na lumaban sa hamon ng buhay...Maraming salamat sa pagmamahal, Loisel.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!