Hoy teh, narinig mo na ba ‘yong chika ng batch natin kay Maureen? Naku! Mainit na mainit na tsaa!
Hindi pa, bakit? Ano ba ‘yon? Ikaw, agang-aga chismis ka kaagad.
Heto na nga kasi, nasagap ko lang ‘to a, pero usap-usapan ngayon sa gc ng batch natin na nagpapagawa lang daw ‘yang si Mau ng projects sa higher levels tapos binabayaran niya!
Grabe teh! Ang lala ng chismis, paano na ang image niya niyan?
I'm rich,
Ikaw talaga ang funny mo, funny-walain ka masyado!
Alam mo namang dati pa, magaling na talaga si Maureen sa acads niya e. Sa lahat ng tao dapat tayo ang mas nakakakilala sa kaniya. Tantanan mo na ‘yang chika mo sis.
Kaka-lesson lang natin kahapon sa ESP a? Ikaw talaga! ‘Di ba? Ang katotohanan ay nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan at pagyamanin ito.
Ang sinomang sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan ng buhay na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya. Pumanig at igalang ang katotohanan at umiwas sa mali. Isabuhay daw ang mga aralin kung talagang natuto tayo.
Oo nga pala, hehe. Well, hindi naman talaga ako naniniwala, sorry Maureen nachismis kita, huhu. At saka sa bagay tama ka.
Hinding-hindi magagawa ni Mau ‘yon, jusko napakatalino talaga no’n dati pa- Ay! Teh! Hala ka, late na tayo!
‘Yan daldal pa, tara takbo! Math pa naman tayo, omg ka!
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!