Sa totoo lang po ‘tay, wala pa po ako naiisip na pangarap sapagkat bata pa po ako.
Anak, matanong ko lang sa iyo, ano ang naiisip mo na pangarap na tatahakin mo sa buhay?
Naiintindihan kita anak, ngunit hindi masamang mangarap kahit na ikaw ay bata pa.
Pero ‘tay, wala pa po akong nadedesisyunan na pangarap na nararapat sa akin.
Eh paano po ba ako makakapagpasya ng aking pangarap na aking tatahakin sa buhay?
Ayos lamang iyan ‘nak, ang lahat ng tao ay likas lamang na naglalaan ng sapat na panahon upang makapagpasya.
Ang iyong mithiin rin ay dapat lamang na tugma sa iyong mga kakayahan, ngunit hindi ibig sabihin nito ay imposible na maabot mo ang iyong pinapangarap kung hindi tugma ang iyong kakayahan dito dahil sa paglipas ng panahon, tayo ay natututo, ang mga natututunan natin sa ating mga karanasan ay nagagamit natin upang sa gayon ay maabot natin ang ating pangarap.
Dapat mong tiyakin at siguraduhin na ang iyong mithiin ay makabuluhan at makatotohanan.
Ganun po pala iyon tay!
Naliliwanagan na po ako tay, salamat po sa mga binigay niyong aral!
Ganun nga anak, ngunit lagi mong tatandaan na kailangan mo magkaroon ng pasensya sa pagtahak ng iyong pangarap sapagkat hindi lamang basta-basta ang pagkamit sa mga ito.