Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon Dali- dali siyang nagpalit ng kasuotan sa likod ng sakristiya na hindi man lamang tumitingin kaninuman Lumabas si Padre Salvi at dali-daling nagpunta sa kalapit na parokyang bahay tirahan. May mga manong at manang na naghihintay kay Padre Salvi
Slide: 2
Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming indulhensiya ang siyang maliligtas ang kaluluwa papunta sa Purgatoryo. Nagmayabang ang bawat isa tungkol sa dami ng kanilang mga naipon para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.
Naniniwala ako na hindi marami ang nakukuha kong induluhensya.
Kailangan ko ng induluhensya para sa kaluluwa ng aking asawa
Kailangan kong ilista ang mga induluhensyang natatanggap ko.
Marami akong induluhensyang natatanggap dahil sa pagiging mautak, sistematiko at maabilidad.
Slide: 3
Sa mga nagsala-salabat na opinyon tungkol sa induluhensya, napalayo nang kaunti ang usapan, inusenteng nagtanong si Manang Juana kung paano dapat dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at tatlong Sumasampalataya. Sa kanilang pagpaplita ng kuro-kuro ay hindi nila namalayan na dumating si Sisa.
Slide: 4
Sa pagpasok ni Sisa binati niya ang mga baabeng naghihintay doon at dali dali pumanhik. Habang papanhik sa hagdan, kinakaba-kabahan at nagdadalawang-loob si Sisa. Hindi nito alam ang alam kung ano ang sasabihin sa kura upang mapaglubag ang kalooban nito.
Slide: 5
Dumiretso si Sisa sa kusina at naroroon ang mga katulong at mga sakristan. iginala niyaang kaniyang paningin at wala roon ang hinahanap niya. Ibinaba ni Sisa ang dala niyang mga gulay. Urong sulong na lumapit si Sisa sa katulong na mukhang pwedeng kausapin di tulad ng kusinerong totoo namang bugnutin
Maari bang kausapin ang kura?
May sakit
Si Crispin nasa Sakristiya ba?
A, oo nga naiwan nga palay siya dito. Pero sandali lang. Sumunod siya kay Basilio. Nangnakaw siya ng maraming bagay. Kanina ngang umaga, pinapunta ako ng kura sa konstabularya. Baka nasa inyo na ang mga sundalo. Kailangang managot ng mga anak mo.
Si Crispin? Bakit, wala sainyo? Huwag po kayong maglubid ng kasinungalingan
Slide: 6
Nabingi siya sa kanyang narinig. Pinilit niyang magsalita subalit walang impit mang tinig na lumabas sa kaniyang bibig. Humagulhol sa kakaiyak si Sisa. Nangapos ang hiningang napaupo ito sa bangkong malapit sa mesa.
Huwag ka ngang mangangalngal diyan. May sakit ang kura . Bumaba ka na doon at sa karsada ka mag-iiyak. Baba na!!
Pinagtulakan pababa si Sisa. Tumambad sa mga nag-uusyosang manang ang luhaang ina. Walang lingun-likod na nilisan niya ang nakakapasong tingin ng mga ususerong manang. Sa karsad, ipinagpatuloy ni Sisa ang kanyang pag-iyak.
Slide: 0
Nasa bahay si Basilio. Naiwan si Crispin dit. Gusto ko sana siyang makita.