Hay! ano ba namang buhay 'to, walang kalovelife-lovelife tapos sa palagay ko ay tila wala pa akong pag asa kay Jonathan kainis! sa tingin ko ay ako na ang pinaka kawawang nilalang na namumuhay sa mundong ito
Grabe ka naman maka kawawang nilalang eh hindi ka lang naman gusto ng gusto mo palibhasa puro tila bulag na tao ang mga tao sa mundo pagdating sa pag ibig, tila mga bulag na hindi nakikita kung sino iyong mga tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa kanila
Ah basta isa lamang ang sigurado ako, gustong gustong gusto ko si Jonathan at sa katunayan ay nakikita ko na ang kinabukasan kong siya ang kinakasama
Wow sana ako din haha
Uhm hi Jonathan, ako ito si Akira kaibigan ng tropa mong si Rommel. Alam mo may nais akong aminin sa'yo matagal na, gusto kita Jonathan, gustong gusto. Simula pa lamang ng highschool ay nahulog na ang loob ko sa'yo lalo na ngayon
Salamat sa pag amin ngunit paumanhin Akira sapagkat may iba akong nagugustuhan at natitipuhan, madami pa namang nakapaligid sa'yong handa kang ingatan at mahalin kaya sana ay ituon mo na lamang ang atensiyon at pagkagusto mo sa iba sapagkat hindi ko masusuklian ang pagmamahal na iyong ibibigay. Sana ay magkaroon kayo ng magandang araw, maiiwan ko na kayo
Mahirap ba ako gustuhin Rommel? ang nais ko lamang na makakuha ay pagkakataon mula sa kaniya ngunit sa halip ay durog na puso ang aking nakuha at natanggap
Alam mo bulag ka lang din kasi eh, meron din naman kasing lubos at tunay na nagmamahal sa'yo mula noon pa hindi mo lang napapansin at nakikita
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!