Matapos ang okasyon, naglakad lamang pa uwi ang mag asawa.
Slide: 2
Nang makarating ang mag-asawa sa kanilang tahanan, napansin ni Mathilde na nawawala ang kuwintas na hiniram niya kay Madam Foreistier.
Hala nawawala ang kuwintas!!
Oo nga no! saan kaya napunta ang kuwintas... bukas pa naman 'yon dapat ibalik.
Slide: 3
Hinanap nila ang kuwintas sa bahay nila at hindi ito nakita. Kaya naisipan nilang bumalik sa kanilang dinaanan pauwi at pinuntahang bahay para sa okasyon.
Subukan nating bumalik sa pinuntahan natin kanina baka sakaling nahulog mo lang ang kuwintas habang sumasayaw ka...
Hindi ko talaga makita rito sa bahay natin ang kuwintas... ano ang gagawin ko nito....
Slide: 4
Naka balik sila sa bahay na pinag ganapan ng okasyon at nag simulang nag hanap para sa nawawalang kuwintas. At salamat sa awa ng Diyos, nakita nila ito sa sahig.
Buti nalang nakita natin ang kuwintas na hiniram ko kay Madam Forestier... hindi ko alam kung anong gagawin ko kung tuluyan itong nawala..
Buti nalang talaga walang nakapulot nito. Salamat at maibabalik natin ito nang walang problema kay Madam Forestier.
Slide: 5
Kinabukasan, pumunta si Mathilde sa bahay ni Madam Forestier para ibalik ang hiniram na kuwintas.
Salamat din sa pagbalik nito at walang anuman. Malaya ka pa rin mang hiram sa akin kung kailangan mo.
Madam, ito na po ang hiniram kong kuwintas. Maraming salamat po.
Slide: 6
Naibalik ko na ang kuwintas... at hindi ko naulit gagawin ang pagkakamali na ginawa ko. Sorry, mahal kong asawa. Simula ngayon, makukunteto na ako sa anumang iibigay mo sa akin.
Okay lang 'yon dahil masaya ako kung saan ka nagiging masaya. At patuloy pa rin kitang papasayahin at mamahalin.
Dahil sa pangyayaring iyon, natuto si Mathilde na maging kuntento sa mga bagay na binibigay sa kanya at dapat ingatan ang mga bagay na hindi sa atin. At dahil naibalik ang kuwintas na hiniram, patuloy na nagmahalan at naging masaya ang mag asawa habang buhay.