Sa isang lupain naninirahan ang mag-asawang palaka. Malungkot sila dahil hindi sila nabibiyayaan ng anak.
Ngunit isang araw, masayang-masaya ang babaeng palaka dahil nalaman niya na siya ay buntis. Humahangos siyang pumunta sa kanyang asawa at ibinalita ang magandang pangyayaring ito.
Hanggang sa lumipas ang ilang buwan at isinilang niya ang hindi lamang isa kung 'di dalawang supling. Pinangalanan nila itong Celestia at Astherielle. Inalagaan at minahal nila ang kanilang anak hanggang sa unti-unti silang lumaki.
Napansin ng mag-asawang palaka na sa paglaki ng kanilang anak ay magkaiba ang ugali ng dalawa. Ang isa ay mabait, masunurin, magalang at bibo. Samantalang ang isa ay tahimik at kakikitaan ng inggit sa kanyang mga mata. Minsan nang nahuli ito ng inang palaka na pinagmasdan ang kanyang kapatid nang may inggit na nararamdaman.
"Ano ba?! Ang likot likot mo kasi. Nakakairita ka na! Lagi ka nalang ganyan. Nakakapagtaka na ikaw ang paborito ng mga magulang natin. Nakakainis ka! Kapag nakita nila mama at papa na nakabasag ka, sana pagalitan ka ng todong-todo at kainisan. Para ako naman ang maging paborito nila mama!!"
Isang araw napagdeisyunan ng mag-asawa na umalis muna at maghanap ng kanilang makakain. Naiwan ang magkapatid sa kanilang bahay.Dahil sa likas na masiyahin ni Celestia, siya ay naglaro mag-isa hanggang sa natabig niya ang gamit sa kanilamg bahay na siyang naging sanhi ng pagkabasag nito. Nagulat sila pareho at nagalit ang malditang palaka na si Astherielle.
"Pasensya ka na. Hindi ko naman sinasadya eh. Tsaka hindi lang naman ako ang paborito nila mama. Dalawa kaya tayo."
"Hindi nila nakikita yung presensya ko, yung damdamin ko, yung parte ko dito sa pamilyang 'to! Paano naman ako?! Lagi nalang ikaw!! Sana hindi na kita naging kapatid!!"
"Hindi mo kasi napapansin! Lagi nalang silang nakatuon sayo. Di na nila ako pinapansin"
"Hindi totoo yan, Astherielle..."
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!