Oooo...Talagang ang edukasyon ay isang malaki at mabuting investment Kia.
Tama, tama. Malaki ang epekto ng kung sino mang nakaupo sa gobyerno kaya dapat tayong maging matalino sa pagboto.
Tama, Faye. Bukod sa nauna ko pang binanggit, ang mga naaral din natin ang gagabay sa atin sa pagboto ng tama at makatarungang opisyal ng gobyerno--napakaimportante nito at malaking tulong sa pagunlad ng ating bansa.
Ito na rin ang ating malaking pagkakataon na baguhin ang kalagyan ng Pilipinas.
Oo, nakasalalay sa eleksyon ang magiging kapalaran na naman ng Pilipinas at ng mga Pinoy sa susunod na anim na taon.
Tama! Kung ating iisipin, tayo ay pwede ng bomoto sa susunod na eleksyon kaya dapat ay wag natin itong sayangin.
Tama!
Grabe, Kia. Talagang may magagawa pala tayong mga mag-aaral upang makatulong sa pagunlad ng Pilipinas. Maraming salamat at sinabi't ipinaliwanag mo ito sa akin. Asahan mong magsisikap ako sa aking pag-aaral.
Walang anuman, Faye. Magaral tayo nang mabuti para sa ikauunlad ng Pilipinas, ating mahal na bayan.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!