Si eleonor khaela ay isang responsable at magandang estudyante. Maraming babae ang tumitingin sa kanya at gustong makipagkaibigan sa kanya. Siya ay isang babaeng may maraming tagumpay sa buhay.
Subalit, kahit na siya ay kinararangal ng maraming tao, ang kanyang mga kakayahan ay hindi pa rin pinapansin ng ilan dahil isa siyang estudyante ng Engineering sa isang klase na puno ng mga lalaki.
Isang araw, nagpagawa ng isang pangkatang proyekto si Ginoong Martinez, kung saan kailangan gumawa ng modelo ng isang gusali ang mga estudyante.
Magandang umaga mga estudyante! Sa araw na ito, gagawa kayo ng modelo ng isang gusali. Ito ay isang pangkatang gawain.
Naging pinuno ng pangkat si Eleonor, at siya ay hinusgaan ng kanyang mga lalaking kagrupo. Patuloy na kinukutya ng mga lalaki sa klase si Eleanor.. Paulit-ulit nilang sinasabi na hindi na siya magtatagumpay na maging inhinyero sa hinaharap dahil hindi siya kasing talino at kasinglakas ng mga lalaki.
Bakit ikaw pa ang naging pinuno namin? Mas magaling kaming mga lalaki sa paggawa ng mga istraktura, at dihamak na mas matatalino kami. Puro ganda ka lang, hindi ka karapat dapat na maging pinuno.
Nang marinig ni Eleonor Khaela ang sinabi ng kanyang mga kaklase na lalaki, nakita niyang nakakasakit ito hindi lamang sa kanyang sarili, kundi pati na rin sa mga kababaihan sa lipunan. Nagalit ang mga babae matapos malaman ang nangyari. Kaya nagtulungan ang lahat ng babaeng miyembro ng kanyang klase at nagtrabaho sila nang mabuti..
2. Tayong mga babae ay malakas at matalino sa sarili nating paraan. Papatunayan natin ito sa kanila.
1. Nakakainsulto ang mga sinabi ng mga kalalakihan.
3. Magtulungan tayo at gawin natin nang maayos ang proyekto. Hindi para sa mga lalaki, kundi para sa ating mga kababaihan
Sa araw ng pagtatanghal, ang mga kababaihan ay nakapagtanghal ng isang natatanging proyekto na ikinagulat ng mga lalaki. Nakuha nila ang pinakamataas na marka sa lahat ng grupo. Pagkatapos ng klase, pinuri ng mga guro ang mga kababaihan para sa kanilang mahirap at kamangha-manghang gawain. Sa husay ng kanilang ginawa, ito ay napansin ng mga propesyonal at binigyan sila ng parangal.
Napakahusay na modelo. Karapat-dapat ito magkaroon ng parangal.
Sa huli, inayos ng mga lalaki at babae ang kanilang alitan at madalas na tinutulungan ng mga babae ang mga lalaki sa mga problemang hindi nila malutas. Napagtanto ng mga lalaki sa klase na mali ang kanilang naisip tungkol sa mga babae at nakilala nila kung gaano kahusay at independiente ang mga kababaihan. Magkasama silang nakapagtapos ng kolehiyo. Lahat sila ay nag trabaho nang husto upang maging mga inhinyero at magkaroon ng epekto sa iba.
Huwag niyo na lamang ulitin.
Humihingi kami ng tawad sa mga nasabi namin. Ngayon, alam na namin na kayong mga babae ay kasing husay sa aming mga lalaki. Mali ang ginawa naming panunukso sainyo.