Si Proserpina ay isang dalagang napakaganda. Katulong siya ng kaniyang ina na si Demeter sa pangangalaga ng mga halaman at lupa. Siya rin ang kasama ng ina kapag namimitas ng bulaklak.
Samantalang si Pluto ng mga panahong iyon ay malungkot. Ninanais niyang magkaroon ng kasama. Ang magkaroon ng Reyna sa kaniyang kaharian ngunit maraming dalaga ang tumangging tumira sa kaniyang kaharian.
Sumunod ay nagtungo sa ibabaw ng lupa si Pluto at doon niya natanaw si Proserpina. Namangha siya sa kagandahan ng dalaga at ito ay dinala sa kaniyang palasyo upang maging asawa
Siya na ang gagawin kong reyna ng aking kaharian!
Nang malaman ito ni Demeter, labis niyang ikinalungkot ito. Hindi niya naalagaan ang mga halaman nang mawala ang kanyang anak. At dahil dito, unti-unting namamatay ang mga halaman.
Hinanap niya nang hinanap si Proserpina. Nang wala na siyang pag-asa ay lumapit siya kay Zeus, hiniling niya na ibalik ang kaniyang anak. Naawa si Seus sa kanya kung kaya’t ipinangako nito na ibabalik si Proserpina kung ang dalaga ay hindi pa kumakain ng kahit na ano habang nasa kaharian ni Pluto.
“Kung siya ay ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng masaganang ani sa lupa”
Nagpunta siya sa kaharian ni Pluto sa ilalim ng Lupa. Nakita nya ang kanyang anak na si Proserpina. Ngunit si Proserpina pala ay nakakain na ng anim na buto ng Granada. Minarapat ni Pluto na mamalagi si Proserpina sa kanya ng anim na buwan(taglagas at taglamig sa ibabaw ng lupa) at sa piling naman ni Demeter ang nalalabing anim na buwan(tag-sibol at tag-araw sa ibabaw ng lupa).
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!