Hay! Saan ba ako magsisimula? Ang mga pagsusulit ay sa susunod na linggo na at hindi ko alam ang aking gagawin. Marami rin akong mga nakabinbing mga tungkulin. Hu hu hu! Ayoko na!
Isang araw, si Reese ay nakaranas ng matinding pagsubok patungkol sa pag-aasikaso sa kaniyang pang-akademikong mga tungkulin.
Ma! Gaganapin na ang aking mga mahahabang pagsusulit sa susunod na linggo. Higit pa, may taglay pa akong mga tungkulin na marapat na matugunan! Malapit na talaga akong sumuko!
Sa kalaunan, ang mga hinaing ni Reese ay narinig ng kaniyang ina.
O, anak, nasa maayos ka bang kalagayan? Ikaw ay aking narinig mula lamang sa kabilang kuwarto. Kinakailangan mo ba ang aking magarang tulong?
Hala! Totoo? Magsasalin ka po ng iyong oras para lamang ako’y magabayan? Naku, maraming salamat, Ma! Hindi mo naman po ito kailangang gawin, ngunit, salamat pa rin nang marami!
Matapos ilahad ni Reese ang kaniyang mga pagkabalisa, hindi pa lumipas ang ilang segundo at naghangad na ng tulong ang kaniyang malasakit na ina.
Sh, tahan na, anak, tahan na. Huwag mong sasabihin iyan. Alam mo naman na nandidito lamang ako, hindi ba? Tutulungan kita. Punasan mo na ang iyong mga luha. Magsisimula na tayo ngayon.