Walang problema iho. Katulad na lamang ng pagkain, tirahan at trabaho ang edukasyon ay isang karapatang pantao. Lahat ng mamamayang Pilipino ay nararapat mabigyan ng kalidad at sapat na edukasyon. Ang pagsulong nito ay nakakabuti sa kalagayan ng ating lipunan.
Marami ang makikinabang sa bunga ng pag unlad. Ngunit dahil sa patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay nangangahulugang malaki ang pagkukulang at pangangalaga sa pagtataguyod ng karapatan na ito.
Tama ka po diyan. Sa ngayon po dahil sa malawakang pinsala na dulot ng Covid-19, Ano na po ba ang kalagayan ng ating bansa? Marami pa rin po ba ang interesado na makapag aral sa paaralan?
Sa ngayon, ang ating bansa ay patuloy na bumabangon. Pero sa kabilang banda maraming kabataan ang hindi na muli na kapag patuloy dahil sa systema ngayon. Dahil iniisip nila ang pinansyal na gastos at kalagayan ng kanilang pamilya. Ngunit matatag ang aking kaisipan na muling kumbinsihin sila.
Opo naiintindihan ko dahil isa rin ako sa mga huminto muna. Tinutulungan ko po kasi ang aking ina sa pagtitinda.
Nako iho, huwag mo ipagpaliban ang iyong edukasyon. Ito lamang ang bukod tangi mo na dala hanggang sa pagtanda. Gaya mo, ako ay laki rin sa hirap pero talaga namang pinursigi ko na makatapos dahil alam ko na ang edukasyon ang aking magiging kasangga ko sa hirap man o ginhawa.
Nakakabilib naman po kayo. Bukod tangi po diyan, ano ang inyong mga plataporma kung manalo bilang isang Pangulo sa darating na eleksyon?
Kung tatanungin mo ako, marami ang aking plataporma ngunit isa sa mga ito ang pag solusyon sa problema ng Edukasyon sa ating bansa. Nais ko na hikayatin ang sambayanan na maging seryoso at ipagpatuloy ang pag aaral. Sa mga kabataan naman na may kakulangang pampinansyal nais ko na dagdagan ang mga Scholarship Programs sa bansa.
Tataasan ko rin ang pondo sa mga gamit pang eskwelahan at paaralan upang ganahan ang mga estudyante na pumasok. Maliban diyan, kada taon ay magbibigay ako ng ayudang school supplies para sa mga hirap na mag aaral.
Napakaganda po ng inyong plataporma, sana po ay mapabilang ako diyan. Nais ko po makita kayong manalo sa darating na eleksyon. Tiyak na maraming kabataan muli ang ma enganyo na pumasok. Salamat po dahil dedikado kayo sa pagsulong ng karapatang pantao at sa pag unlad ng ating bansa. Bukod tangi po kayo.
Walang anuman. Muli ako ay si Marco Joselito handang tumulong para sa lahat. At umaasang manalo bilang isang Pangulo ng Pilipinas.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!