Mabuhay ang Kaharian ng Bumbaran! Mabuhay ang aking kapatid na si Prinsipe Bantugan!
Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at nabago si Haring Madali.
Slide: 2
Mga kawal, magsipaghanda kayo at lulusubin natin ang Kaharian ng Bumbaran dahil wala nang sagabal upang hindi natin sila magapi, patay na ang ipinagmamalaki nilang Prinsipe Bantugan
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
Slide: 3
Dumating ang pangkat ni Haring Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa pagkabuhay muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw.
Slide: 4
Pagkatapos ng laban ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat ang kaniyang mga katipan at sila ay dinala sa kaniyang kaharian.
Slide: 5
Nagdiwang ang kaharian sa muling pagkabuhay ni Prinsipe Bantugan ngunit ito'y nabalitaan ni Haring Miskoyaw at nilusob ang kaharian. Nagkaroon ng labanan at nakipaglaban din si Prinsipe Bantugan.
Slide: 6
Ngayon ay katapusan mo na Prinsipe Bantugan, tuluyan ka nang mamamatay! Tingnan natin kung may magagawa pa ang kapatid mong si Haring Madali
Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kaniyang mga kaaway. Siya ay iginapos subalit unti- unti nagbalik ang kanyang lakas matapos siyang makapagpahinga.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!