Search
  • Search
  • My Storyboards

noli

Copy this Storyboard
noli
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Slide: 2
  • Marahil nga. mabuti na lamang at hindi ninyo ipinahintulot na makausap siya ni Ibarra. kung nagkatao'y lumala sana ang kanyang sakit.
  • At kung hindi dahil sa amin, nasa langit na sana at nagpupuri sa Diyos si Clarita.
  • Higit na magdaramdam si Maria Clara sapagkat mahal niya ang kanyang inaama. Marahil ang sakit niya'y mula sa sama ng loob noong pista.
  • Slide: 3
  • Kung gayon, bakit hindi ninyo gamutin ang maybahay ng Alperes sa kapangyarihan ng kumpisal.
  • Basahin ninyo ang banal na aklat at makikita ninyong marami ang gumaling sa pangungumpisal.
  • Slide: 4
  • Mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at sa tuwing ito’y magdedeliryo ay binabanggit ng dalaga ang pangalan ng kanyang ina. Sina Tiya Isabel naman kasama ng kanyang mga kaibigan ay patuloy siyang inaalagaan samantalang si Kapitan Tiyago ay walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy. Ang pinakahuli ay ang pagbibigay niya ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makaraan ang ilang araw kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria Clara. Ito’y ikinatuwa ng mag-asawa kaya naman hindi muna pinagdiskitahan ng Donya si Tiburcio.
  • Ihanda ninyo sa pangungumpisal si Maria Clara ngayong gabi, at sa tulong ng Viatico na ihahatid ko sa kanya bukas ay dadali ang kanyang paggaling.
  • nagsalita si Padre Salvi.
  • Slide: 5
  • Isang hapon, nag-uusap sina Kapitan Tiyago, ang kura, at si Donya Victorina.
  • Oras na para uminom ng gamot si Maria. Ininom niya ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal na ititigil lamang ng dalaga kapag nakaramdam na ng pagkabingi. Samantala, nalaman naman ni Maria kay Sinang na kaya hindi pa makasulat sa kanya si Ibarra ay dahil abala ito na mapawalang bisa ang kanyang pagiging ekskomulgado. Maya-maya pa'y dumating na si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra
  • Slide: 6
  • Ipinagpilitan ni Donya Victorina na utang sa kanyang asawa ang paggaling ng dalaga. Tinutulan ito ni Padre Salvi at sinabing higit na nakabuti ang pangungumpisal sapagkat luminis ang budhi.
  • Nagaganap ang mahabang kumpisalan habang nagmamasid si Tiya Isabel sa malayo. Napansin niysng hindi nakikinig ang kura sa sinasabi ng dalaga at ang pilit na binabasa sa magagandang mata ng dalaga ang waring ikinukubli nitong lihim. Namutla at nabalisa ang kura matapos ang kumpisalan.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family