Grabe, pre, parang araw-araw na lang tayong nauubusan ng pera sa sobrang mahal ng mga bilihin.
Ang mahal naman kailangan na nating mag tipid.
Oo nga, pare. Kahit 'yang simpleng prutas, parang ginto na ang presyo.
Hindi na talaga nakakatuwa, lalo na't hindi tumaas ang sahod natin.
Tama ka diyan. Parang ang hirap tuloy mag-budget ngayon.
Tama Kailangan nating magsikap at maging may kasanayan sa paghahanap ng mga oportunidad.
Kailangan na yata nating maghanap ng ibang paraan para makatipid. Dahil ang mga bilihen ay tumataas ng tumataas.
Oo nga, kailangan nating maging masinop at magplano nang mabuti. Para narin makatipid tayo sa mga bilihin
Siguro dapat tayong magtulungan at maghanap ng mga alternatibong mapagkakakitaan. Para narin handa tayo palagi.
Ang hirap naman ng sitwasyon ngayon. Parang ang hirap tuloy mag-ipon para sa mga susunod na gastusin.
Tama ka diyan. Parang wala nang tigil ang pagtaas ng presyo, pero hindi naman nadadagdagan ang sahod natin.
Paano kaya tayo makakabangon sa ganitong sitwasyon? Kailangan nating mag-isip ng mga paraan upang makasiguro na hindi tayo maghihirap sa ganitong bagay.