Search
  • Search
  • My Storyboards

Unknown Story

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Tiisin mo na! Ipagpalagay mo na lang na ang 30 pisong iyon ay natalo sa sugal o kaya'y nahulog sa tubig at sinakmal ng buwaya.
  • Kabanata 4: Kabesang Tales
  • Lahat tayo, Ama, ay babalik sa alabok ipinanganak na walang saplot.
  • Manalo ka man sa kaso, Anak, tiyak na maghihirap ka ni isang saplot ay walang matitira sa iyo.
  • Si Kabesang Tales ang nag-iisang anak ni Tandang Selo, ang matandang mangangahot na kumupkop kay Basilio sa gubat noong bata pa ito. Sa paniwalang nagmamay-ari sa isang lupain ay sinaka ito ni Kabesang Tales. Ngunit nang mag-ani ang kanyang pananim, siya ay siningil ng mga prayle ng 20 hanggang 30 pisong buwis. Nais tumutol niya ngunit pinigilan siya ng ama.
  • Magbabayad ako sa mga abogado. Kung mananalo ako sa usapin ay mapababalik ko si Tano, ngunit kung ako'y matatalo ay hindi ko na kailangan ng anak.
  • Natupad ang pangarap ni Kabesang Tales na makapagpatayo ng bahay na yari sa tabla. Pinagkaisahan siyang gawing cabeza de barangay ng kanyang mga kanayon. Lubhang magastos ang tungkuling ito dahil kinailangan niyang bumili ng magagarang damit at naubos ang kanyang oras sa pagpunta sa kabisera.
  • Nag-usap ang mag-ama.
  • Kailangang makabalik ang aking ama at kapag nanalo tayo sa usapin ay matutubos ako sa pagkaalila.
  • Malalaman din niyang pinili ko pang ako ang masanla kaysa masanla ang agnos na bigay niya sa akin.
  • Kung aalis ka, babalik na ako sa gubat.
  • Inilakad ni Kabesang Tales kung kani-kanino sa pamahalaan ang karapatan niya sa lupa. Pinagsmantalahan naman ng mga ito ang kanyang kamangmangan. Napiling maging sundalo ang kanyang anak na si Tano ngunit hinayaan niya ito sa halip na magbayad ng kapalit.
  • Isang araw, dinukot ng mga tulisan si Kabesang Tales at ipinatutubos sa halagang 500 piso.
  • Halos mabaliw sina Tata Selo at Juli. Hindi nila alam ang gagawin. May 200 piso si Juli ngunit hindi iyon makasasapat. Siya ay nagdasal ngunit walang milagrong naganap. Kaya't nagpasya siyang manilbihan sa isang mayamang kababaryo.
Over 30 Million Storyboards Created