Nang bigla na lamang nagising si Mathilde... Mathilde: "Naku! Isang masamang panaginip lang pala iyon, ngunit parang makatotohanan ang mga nangyari."
....
Mathilde: "Mabuti nalang at nandito pa ang kwintas na aking hiniram kay Madame Forestier. Isasauli ko na ito bago pa magkatotoo ang aking panaginip."
ANG KWINTAS
Agad nagtungo si Mathilde sa tahanan ng kanyang kaibigan. Mathilde: "Nandito na pala ang aking hiniram na kwintas sa iyo kahapon. Napag-isipan ko na hindi ko na lamang ito susuotin sa pagtitipon."
Habang naglalakad pauwi si Mathilde ay napag-isip-isip siya. Mathilde: "Hindi ko kailangan gumamit at magsuot ng mamahaling gamit upang maramdaman ko ang tunay na kasiyahan. Sapat na sa akin na kasama ko ang aking asawa."
Matapos ang limang taon, nabiyayaan si Mathilde at ang kanyang asawa ng dalawang anak na nagbigay ng kasiyahan sa kanilang pamilya. Hindi man sila mayaman, namuhay pa rin sila nang masaya at matiwasay dahil buo ang kanilang pamilya.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!