Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina na siya ay hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito nagawang huminto sa paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel.
Sinabi rin nito sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na nangyari.
Inay, nahulog pa ako sa isang puno!!
Napag-alaman din ni Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay ng Sakristan.
Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nag-alala ng todo sa kanyang ina ng malaman nito na dumating ang kanyang ama. Alam kasi nito ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang ina.
Ma, okay lang po ba kayo? bakit parang ang lungkot niyo?
Sa hinagpis at galit ni Basilio ay naisambulat nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo na lamang. Sa ganitong kalagayan ay mabubuhay pa sila ng maayos, na siya namang pinagdamdam ni Sisa.
Mas mabuti na lang po sana na nawala na lang si tatay..
Nakatulugan ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!