Unang sabado nang hilingin ni Rebo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kahit hindi pa ito ang araw kaya gumawa ng paraan at nag-imbita ang kanyang tatay ng maraming tao. Marami siyang laruan na natanggap lalo na ang kaniyang paborito na beyblade.
Bago dumating ang ikatlong sabado, unti unti ng nanghihina si Rebo at hindi na niya makuhang laruin ang beyblade ngunit hindi niya ito binibitawan at pinipilit na maging malakas.
Nang magtanong ang anak, agad na nagtanong ang tatay kung ano ang gusto nito. Agad na bumili ito ng kendi subalit naiwan lamang nakabukas at nilalanggam ang mga ito sa kanilang kinaupuan.
Tay, may peya a?
Tuluyan ng nakalbo si rebo sa pagsapit ng ikatlong sabado. Kinumbida ng tatay ang isang mascot para magkaroon ng pagtatanghal ng walang bayad. Hindi man nakangiti si Rebo subalit makikita sa kanyang mga mata ang tuwa.
Ramdam na ang pagod kay Rebo ngunit pinunta siya ng kaniyang tatay sa karnabal upang ito ay mapasaya. Dahil sa kagustuhan nitong sumakay sa mga maliliit na helikopter ito ay masaya at ngingitian ng malungkot ang kaniyang tatay sa tuwing titingin sa baba.
Mahal ka namin. Paalam.
Tuluyan ng nalagas ang buhok ni rebo. Pagsabay ng pagtapos ng Pebrero, pumanaw na si rebo. Huling sabado na masisilayan siya ng mga minamahal. Masakit man ngunit si Rebo ay tutungo na sa lugar na walang sakit, gutom at paghihirap. Siya ay payapa ng mamamahinga.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!