Kumusta? Ako si Aiko. Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na anak at kapatid. Ako ay tumutulong sa paglilinis ng aming bahay kasama ang aking ate.
Habang nagwawalis ang kanyang ate, si Aiko naman ay kumuha ng basahan para magpunas.
Mabuti na lang at may kapatid akong matulungin. Salamat Aiko!
Opo naman ate. Kailangan ko ding tumulong para naman mas madaling matapos ang mga gawaing bahay.
Pagkatapos niyang tulungan ang kanyang ate, pumunta naman si Aiko sa garahe upang iligpit ang mga gamit ng kanyang tatay nang bigla siyang dumating.
Naku! Napaka-matulungin naman ng aking anak.
Walang anuman Tay. Kami na po ang bahala sa mga gawain dito sa bahay. Pagod na po kayo galing trabaho tay eh!
Habang si Aiko nakaupo at nagpapahinga sa tapat ng kanilang bahay, may nakita siyang isang matandang babae na parang nahihirapan sa kaniyang dala. Kaya naman lumapit siya at tinulungan ang matandang babae.
Maraming salamat iho at ako'y talagang nahihirapan na dahil napakarami naman talaga ng pinabili ko.
Mukhang nahihirapan na po kayo ale, tulungan ko na po kayo sa mga bitbit niyo.
Ipagpatuloy mo lang ang pagiging matulungin iho, tiyak na masaya ang mga magulang mo sayo.
Wala naman po masama sa pagtulong, basta't nakakabuti ito sa lahat.