Ngayon ang pinaka hihintay ng lahat ang Question and Answer portion!!!
SEARCH FOR BB. PANITIKAN 2024
Unang kalahok, ang katanungan ay, bilang isang mag- aaral sa iyong palagay bakit mahalaga ang panitikan?
Magandang umaga po sa inyong lahat, para sa akin bilang mag- aaral, mahalaga ang panitikan sapagkat ito ay daan tungo sa intelektwalisasyon, bukod dito, ang panitikan ang kinakasangkapan upang isalin ang kultura ng isang bansa o lugar sa susunod na mga henerasyon. Yun lamang po at maraming salamat.
Siguradong panalo kana! whooh!
Ang galing mo unang kalahaok!
Ikalawang kalahok, ang katanungan para sayo ay, bilang isang mag- aaral bakit mahalaga ang panitikan?
Bilang mag- aaral, natutunan kong mahalaga ang panitikan sapagkat dulot nito mapatataas ang larangang intelektwal, magagamit din ito sa pagpapahayag ng damdamin, malilinang ang kaalaman, at higit sa lahat mapananatili ang mga kulturang kinagisnan.
Mas magaling ka kaysa sa nauna! Ikaw na ang mananalo diyan!
Ito na ang ating ikatlo at huling kalahok, ang tanong ay para sa iyo bakit mahalaga ang panitikan?
Isama rin natin ang mga akdang pampanitikan na naglalaman ng damdamin ng isang tao, o maaaring tumatalakay ng iba't ibang paksa maaari nating basahin na makapagpapalawak ng pagkatuto at nakapag daradag ng mga bagong kaalaman kasabay ng paglinang ng wikang ating ginagamit. Yun lamang po at salamat.
Ang panitikan ay mahalaga dahil ang panitikan ang nagsisilbing mabisang ekspresyon ng isang lipunan, ito rin ay ginagamit sa pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon, daan din ang panitikan sa pag- unlad ng pag- iisip ng mga tao o mamayan sa isang lugar o lipunan.
Wala akong masabi, sobrang galing!
Sadyang napakahirap pumili ng mananalo sapagkat lahat sila ay may ipinupunto at ipinaglalaban. Mahirap man, ito na ang hinihintay ng lahat, handa na ba kayong malaman kung sino ang nagwagi?
Handa na! yung ikatlo yan
Yung una yan! magaling yun
Sa ikalawa ako, nasabi niya lahat!
Ang nagwagi at ang ating Bb. Panitikan! walang iba kundi ang ating........ IKATLONG KALAHOK!!!