IIISa pilipinas kapag naka short kaMala aubrey ka naTapos kapag balot na balot kaDi ka daw marunong pumormaAno ba talaga?Ni ultimo nga pagbili ng milkteaMay issueMga hipokrito lakas maka hashtagNg #notobullyingPero tuwang tuwa sa mga nakakainsultong meme
IISa pilipinas kapag k-pop fan kaCancer kaDi mo naman daw naiintindihanLinyahan ng mga feeling makabayanNa hindi naman kabisado ang lupang hinirang
ISa pilipinas kapag maitim kaPangit kaSa pilipinas kapag maputi ka,Di ka naman magandaSadyang maputi ka lang talaga
IVSa pilipinas kapag nakabraces kaWala ka ng karapatang ngumitiIisipin agad nila na gusto mo langIpasikat kaya malaki ang kurba ng iyong mga labiTapos kapag may tattoo ka masamang tao ka naNakakatawa lang kasimay kakilala akong halos sa simbahan na tumiraPero ang ugali nangangamoy basura
VSa pilipinas walang pakialamananKahit makasakit pa ng ibang taoPero ang daming may pakialamPagdating sa personal na buhay moKapag may nagawa kang maliLahat sila huhusga sayoLahat nagmimistulang perpektoLaging binabase ang kagandahanSa panlabas na itsuraKung makalait kay sansan akala moMga ilong mestizo’t, mestizaLahat na ata mapanghusga
VILahat nagiging big deal sa kanilaNawawalan na ng halaga ang bawat isaKung anong bago dapat magayaSumikat lang sa social mediaGanito tayo kung lamunin ng sistemaTalamak na ang salitang “bobo”Kung kani-kanino nalang ito binabatoTila nawawalan na ng respetoMakasabay lang sa uso
VIINakakalungkot, pero ito ang totooKaya kung iniisip mong pangit kaDahil sa mga sinasabi ng ibaKung nanlilit ka sa sarili moDahil sa mga panlalait nilaKung pakiramdam mo tama silaNagkakamali kaKasi walang pangit sa mundoMarami lang talaga ang feeling perpekto sa bansang ito
VIIVideo muna bago tumulong sa ibang taoKasikatan muna bago ang prinsipyoHusga muna bago alamin ang totoong kwento