Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak na si Pina. Kaya lumaki si Pina sa layaw at hindi tumutulong sa Ina sa mga gawaing bahay kahit tinuturuan siya ng ina.
Pagod ako Nay
Pina, tulungan mo ako mag luto
Hindi ko kaya kumilos anak, masama ang aking pakiramdam
Isang araw nagkasakt si Aling Rosa. Hindi siya nakakatayo dahil sa sobrang panghihina.
Nay nagugutom na ako
Dahil hindi sanay si Pina na tumulong sa gawaing bahay , hindi niya alam ang mga bagay at kagamitan sa loob ng kanilang bahay. Kaya naman...
Nay asaan yung bigas!?
Naay asaan yung ulam?!
Naay asaan yung...
Matapos noon ay biglang tumahimik ang buong kabahayanan. Lumipas ang ilang oras ay hindi na marinig ang boses ni Pina. Tuluyan nang nag laho si Pina.
Sana tubuan ka ng maraming mata para makita mo ang iyong hinahanap!
Marami pang tinanong at hinanap si Pina kaya naman tuluyang nang nagalit si Aling Rosa
Hinanap ni Aling Rosa si Pinay hanggang isang araw napansin niya ang isang halaman sa kanilang bakuran. Ito ay may bunga na napakaraming mata. Doon na lamang natanto ni Aling Rosa na ito ay si Pina.
Pina, hayaan mong alagaan kita ng lubusan. Mahal kita anak.
Inalagaan ni Aling Rosa ang halaman at tinawag niya itong Pinya.