Ngayong araw ako ay may ipapakilala sa inyo. Ito ang aking tiyahin. Si Tiya Rosa. Siya ay isang ofw sa barrain.Di pa gaano ka tagal siyang nagtatrabaho sa ibang bansa.
Magandang araw sa inyo tiya. Kumusta po kayo?
Tiya, kumusta po ang trabaho niyo diyan? Mahirap ba?
Nako iha, wala namang trabahong hindi mahirap. Tsaka maayos naman ang aking trabaho. At tsaka mababait din ang aking amo.
Magandang araw din sa inyo iha. Aba'y napakalaki mo na. Maayos lang naman ako.
Mabuti naman!. Pero tiya, Ano po ba ang buhay ninyo diyan bilang isang ofw?
Ah, syempre hindi ganon ka saya dahil nga malayo ako sa aking pamilya, sa inyo, sayo, pero nagsisikap ako ng sa ganon maka-ipon-ipon ako. Maka-uwi sa Pilipinas.
Tiya ano po ba ang iniisip niyo tuwing nakakaramdam kayo ng lungkot? Ano po ang ginagawa ninyo inaaliw niyo ba ang iyong sarili?
Mabuhay ng malayo sa pamilya ko ay hindi basta-basta. Kaya sa tuwing nalulungkot ako iniisip ko nalang na para sa kanila ito, para sa pamilya. Kaya nagsisikap ako.
Talagang nakakahanga kayo tiya!. Salamat po sa oras. Tsaka miss ka na rin namin. Yon lang po lahat salamat!!.
Sige iha. Walang anuman.
Talaga nga namang nakakahanga ang ating mga ofw. Nagsisikap silang magtrabaho para sa pamilya nila. Kaya laging tatandaan. Respetuhin natin sila. Dahil hindi basta-basta ang ginagawa nila. Isinakripisyo nila ang kanilang oras sa pamilya upang maahon nila tayo sa kahirapan. Tunay silang bayani!
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!