Tama ka riyan aking asawa. Ngunit tayo'y pumasok muna sa loob upang magmuni-muni sa ating dapat na gagawin.
Ano nga ba ang saysay ng buhay kung hindi rin naman tayo magkakaroon ng anak?! Tila ba'y hindi pinapakinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin sa kanila.
Pagkatapos nilang magmuni-muni, napagdesisyunan ni Bugan na magtungo sa tahanan ng mga diyos, kung saan siya ay pupunta sa dakong silangan.
Haysssst, nagpunta ako rito dahil gusto ko nang mamatay. Bakit pa kasi wala pa kaming anak?!
Pagkatapos madaanan ni Bugan ang ibat'-ibang mga lugar at makipag-usap sa isang igat, buwaya, at kinatatakutang pating, sa wakas nakapunta na rin siya kanyang pinatutungohan.
Anong ginagawa mo rito Bugan at bakit ka naparito?
Hinanap nila Bugan at Bumakker ang iba pang mga diyos. Pagkatapos nito, sila'y nagbigay ng baboy, manok, at kalabaw bilang regalo kay Bugan. Napagdesisyunan nilang samahan umuwi si Bugan upang turuan nila ang mag-asawa sa kung paano gagawin ritwal na tinataw nilang "Bu-ad"
At yun na nga, habang isinasagawa nina Wigan at Bugan ang Ritwal, sila ay binigyan ng patnubay ng kanilang mga diyos.
Lubusang nagpapasalamat sina Wigan at Bugan sa kanilang mga diyos. Tingnan mo naman, isang kaligayahang hindi masukat-sukat ang natagamtaman ng mag-asawa. Natupad na rin sa wakas ang kanilnang matagal-tagal nang pinapangarap, at yun ay magkaroon ng anak.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!