Naging kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar at pagkatapos ay pinatag nila ang kagubatan. Nang nagtangka silang siraan si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, nagpadala ito ng Toro ng kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag bilang parusa.
Slide: 4
Natalo nina Gilgamesh at Enkido ang toro ngunit hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila at iyon ay si Enkido na namatay dahil sa matinding karamdaman.
Slide: 5
Humingi ng kapatawaran si Gilgamesh sa mga diyos at hiniling na sana ay buhayin nilang muli si Enkido. Pumayag ang mga diyos ngunit sa isang kondisyon, kailangan niyang makuha muli ang tiwala at loob ng isang taon. Kailangan niyang maging karapat-dapat na pinuno at pamunuan ng matiwasay ang Uruk.
Slide: 6
Nagawa ni Gilgamesh ang kondisyon na ibinigay ng mga diyos. Naging masaya, masagana at mapayapa ang lungsod ng Uruk dahil kay Gilgamesh. Laking tuwa ni Gilgamesh dahil binuhay nilang muli sa Enkido, ang kaniyang matalik na kaibigan. Ginawa niyang kanang kamay si Enkido at ipinangako nilang dalawa na sila ay mamumuno nang maayos at gagamitin nila ang kakayahan sa tamang gawain.