Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya.Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.
paumanhin Ibarra kung nagimbala kita
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala.
Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.