Si Ibarra ay papunta na sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng tulong sa pagtayo ng paaralan.
Nang umakyat si Ibarra nakita niya na bukas ang pituan at pumasok dito. Dinatnan niyang nakayuko ang matanda at parang may sinusulat na libro. Abalang-abala si Pilosopo Tasyo sa pagsulat ng hieroglyphics sa wikang Tagalog.
Inanyayahan pa rin ni Pilosopo Tasyo si Ibarra sa Kabila ng kanyang abala/
"Pasensiya na po kayo" Tugon ni Ibarra. "Abalang-abala pala kayo"
"May sinusulat lamang ako, pero hindi naman apurahan ito. Kailangan ko ring mamahinga. May maitutulong ba ako?"
Sa usapan nila, ipinahayag ng Pilosopo na ang kanyang mga isinusulat ay para sa susunod na henerasyon, at mulat na ang mga ito sa nangyayari sa lipunan.
Bakit po hindi po ito mabasa?
Ito ay aking sinadya dahil kung ito ay ngayon mababasa sa paraang maiintindihan ng lahat, tiyak na ito'y agad na susunugin.
Ipinayo ni Pilosopo Tasyo na sa mga kinikilalang tao sa lipunan, tulad ng kura, dapat humingi ng payo si Ibarra.
Binigyan ni Pilosopo Tasyo ng inspirasyon si Ibarra, na kung sakaling hindi man siya magtagumpay, may uusbong na pananim na magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan. Pagkatapos nagpaalam na si Ibarra kay Pilosopo Tasyo
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!