Hindi na alam ni Gita ang kanyang gagawin, naipong galit at inggit ni Gita ay inilabas niya kay Rina. Ikinumpara niya ang kanyang sarili kay Rina kung ano ba ang meron si Rina na wala siya. Walang masabi si Rina ng marinig niya lahat ng sinabi ng kanyang ate.
Malapit sa isa't-isa si Gita at Rina akala ni Rina ay alam niya lahat tungkol kay Gita. Nang isang araw ay mapansin ni Rina na halos magkaparehas na ang gamit nila at kung ano gusto niya ay gusto niya na rin
pero hinayaan lang ito ni Rina dahil hindi ito big deal sa kanya at iniisip niya na lalo silang naging malapit sa isa't-isa.
Sa sumunod na mga araw hindi pa rin sila naguusap. Si Gita na pinagsisihan ang kanyang ginawa at gustong mag sorry kay Rina dahil mahal niya si Rina at ayaw niya masira ang kanilang relasyon.
Si Rina na galit sa kanyang sarili na hindi man lang niya inisip ang naramdaman ni Gita at gustong humingi ng sorry kay Gita.
lumipas na nga ang ilang araw at wala parin nangyayari sa kanila ng inutusan si Rina na bumili ng sabon pang laba. Habang naglalakad ay nakita niya ang kaibigan niya na aayain siya sana gumala at biglang dumating si Gita para iabot ang pera kay Rina dahil baka kulang daw ito.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!