Search
  • Search
  • My Storyboards

FILIPINO AWTPUT

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
FILIPINO AWTPUT
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Ci-N! Tulong! Tulungan mo ako!
  • Jay! Tatawagin ko si Keifer! 'Wag ka mag-alala. Babalik kami, ililigtas ka namin!
  • Isang araw, habang naglalakad pauwi sila Jay-jay at Ci-N, may dumaan na van at agad na hinila si Jay-Jay. Hindi naman nakalaban si Ci-N dahil hinarangan siya ng mga tao. Hindi rin nakalaban si Jay-Jay dahil sa telang pinaamoy sa kanya dahilan para mawalan siya ng malay.
  • Pagdating ni Ci-N sa kanilang silid-aralan, agad na napuna ni David ang hinihingal na si Ci-N. Agad siyang tumayo at lumapit, pero nilagpasan lang siya ni Ci-N at lumapit kay Keifer at Yuri na nagbabangayan sa kung anong bagay.
  • Wala akong ibang pagpipiliian. Lalo naman akong mapapahamak kapag hindi ko ginawa 'yon.
  • Anong naisipan mo at tumalon ka sa gusali na 'yon?
  • Tinakot mo ako. 'Wag mo na uulitin 'yon, ha?
  • Nang malaman ni Keifer at Yuri ang nangyayari kay Jay-Jay ay agad silang lumiban sa klase. Walang natira sa kanilang silid-aralan. At nang makarating sa lugar kung saan sinabing naroon si Jay-Jay ay nasa rooftop siya kasama ang taong dumakip sa kanya. Sinubukan itulak si Jay-Jay at agad rin hinila paatras. Sa gulat at pag-aalala ay nilabanan nila Keifer at Yuri ang mga taong pumipigil sa kanila para iligtas si Jay-Jay.
  • Walang ibang magawa si Jay-Jay. Pakiramdam niya ay anumang oras pa niyang itatagal katabi ng loko ay ikakapahamak niya. Mula sa mataas na palapag ng gusali ay tumalon siya. Nakaligtas naman siya dahil mayroong tatlong tao na sumalo sa kanya. Sila ay si David, Yuri, at Keifer.
  • Matapos mailigtas si Jay-Jay ay dumeretso sila sa ospital upang gamutin ang mga natamo niyang sugat sa pagtalon. Sandaling iniuwi rin nila Keifer at Yuri si Jay-Jay sa bahay nila. Wala masyadong tao roon kaya naupo si Jay-Jay sa may hagdan habang nakatapal ang yelo sa kanyang binti. Lumabas naman si Yuri upang bigyan ang dalawa ng oras para makapag-usap.
  • Kinagabihan, tinanong ni dinala ni Keifer si Jay-Jay sa isang kainan upang makita muli ang matamis at magandang ngiti niya sa kabila ng nakakatakot na pangyayari. Hindi naman nabigo si Keifer dahil agad na nagliwanag ang mukha ni Jay-Jay nang makita ang kagandahan ng lugar at ang kasimplehan nito.
Over 30 Million Storyboards Created