Oo, bata pa lamang ay ikinatatakutan ko na ang aking ina. Kaya naman hindi ako nagdududang nakikita niyo na ang pangyayari at naririnig niyo na ang kada dagundong ng puso ko nang makuha ko ang aking unang bagsak na markahan sa matematika.
Bumagsak ako? Paano ko ito maipapakita sa aking nanay? Ngayon palang ay kitang kita ko na ang nakakakilabot na itsura ng kaniyang mukha na dulot ng pagkayamot.
Sigurado akong maiintindihan ka niya. Huwag kang mag-alala.
Dugung.. Dugung..Nangibabaw ang bawat tibok ng puso ko sa pagpasok ko sa bahay.
Inisip kong maigi ang susunod na kilos ko. Inisip ko na ang maaaring mangyari sa akin sa pagtatangkang ihanda ang aking sarili. Maluluhong kaisipan na galing sa aking imahinasyon ang nakapalibot sa aking utak. Mapapagalitan kaya ako? Mas malala pa, mapapalayas na kaya ako kapag nalaman niyang ang anak niyang palaging may parangal sa eskuwela ay nalaglag?
Ma? Nariyan ka na po ba?
Nang lumapit ang aninong lubos na ikinatakutan ko, nailabas ko ang mabigat na katotohanang dala-dala ko.