Search

BUHAY ESTUDYANTE

Copy this Storyboard
BUHAY ESTUDYANTE
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Description

Datahan, Ariane

Storyboard Text

  • UNANG SENARYO (SAKNONG 1)
  • Anong nangyari Abi? Bakit ka naman umiiyak?
  • Hindi ko pa kasi natatapos yung ipinapagawa ni Bb. Cuario dahil hindi ko ito lubos na maunawaan.
  • Para sa akin ay masiyado itong mahirap, naglaan naman ako ng oras at nakinig ngunit hindi ko pa rin maintindihan.
  • IKALAWANG SENARYO (SAKNONG 2)
  • Grabe! Kailangang ingles ang gagamitin naming lengguwahe para sa aming pag-uulat.
  • Ganoon nga rin sa'min. Ang problema hindi papayagang magsalita ng filipino, purong ingles lamang eh hindi naman ako sanay magsalita ng gano'n.
  • IKATLONG SENARYO (SAKNONG 3)
  • Ay agrikultura lang pala kinuha mo? Ako, gusto ko maging doktor kaya edukasyong medisina ang inaaral ko.
  • Agrikultura ang kursong kinuha ko, ikaw ano nga ulit ang sa'yo?
  • Kaya nga ako nahirapan eh.
  • Tanghaling tapat nang magkatagpo sina Kyla at Abi. Lubos na nahihirapan si Abi sa kanyang nakatakdang gawain sa paaralan kung kaya't umiiyak siya sa loob ng silid-aklatan habang kausap ang kaibigang si Kyla.
  • IKA-APAT NA SENARYO (SAKNONG 4)
  • Kumusta Kyla? Anong balita sa pag-aaral mo?
  • Samantala, nag-uusap usap din ang magkakaibigang Hardin, Landon at Trevor sa kantina. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa paparating nilang pag-uulat sa klase na kinakailangang ingles ang lengguwaheng gagamitin.
  • IKA-LIMANG SENARYO (SAKNONG 5 AT 6)
  • Nabalitaan namin mula kay Kyla ang problema mo kaya nagtulung-tulong kaming apat para mapunan ang pangangailangan mo. Mag-aral kang mabuti, maging mabusisi ka sa mga bagay na matututunan mo. Bilang kaibigan mo, gusto naming matapos mo ang kursong kinuha mo. Tiyak na matutuwa rin ang mga magulang mo.
  • Makalipas ang ilang linggo, muling nag-kumustahan ang magkaibigang Kyla at Abi at nagawi naman sa kani-kanilang kinuhang kurso ang kanilang usapan. 
  • HULING SENARYO / WAKAS (SAKNONG 7)
  • Huwag tayong maging basta estudyante lang kundi magkaroon tayo ng tunay na kaalaman tungkol sa ating kinagagalawan. Parte tayo ng ating bansa, pahalagahan natin at gampanan ang ating responsibilidad kahit na estudyante pa lamang tayo. Mahalaga ang ating pakikiisa tungo sa pag-unlad.
  • Hindi nagtagal ay nagkitang muli sina Kyla at Abi. Sa kasamaang palad ay masamang balita ang baon ni Abi, marahil ay hirap na sila pagdating sa pinansiyal. Malalaking bayarin ang kailangang harapin ng pamilya ni Abi upang maitawid at maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng medisina.
  • Ayon na nga ang problema. Ang laki kasi ng bayarin sa eskwelahan, hindi na aabot yung ipon ng magulang ko at hindi ko na rin alam gagawin.
  • Nang marinig nina Hardin, Landon at Trevor mula kay Kyla ang problemang pinansiyal ni Abi, agad silang nagtulungan upang makalipon ng pera pandagdag sa pambayad ni Abi sa paaralan. Labis na natuwa si Abi dahil sa kabutihang puso ng kanyang mga kaibigan at dahil dito, nangako ang estudyateng si Abi na mag-aaral siyang mabuti, ni hindi niya sasayangin ang bawat oras upang mag-aral at matuto.
  • Talaga? Maraming salamat, Landon! Malaking tulong ito sa'kin. Hayaan n'yo, makakabawi rin ako sa inyo.
  • Bilang konlusyon, ipinapaliwag ni Abi na importante ang pakikiisa ng mga estudyante upang umunlad ang isang bansa. Imulat natin ang ating mga mata upang makamtan ang ating ninanais, hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para na rin sa ating pamilya at kapwa pilipino.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family