Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa ng marinig ang pagtaas ng boses ni Mrs. Velasquez, na animo’y may kinakagalitan. Dali daling nag punta sa kinaroroonan ni Mrs. Velasquez at Kalix si Knight at Gaia. Pag dating ng dalawa doon ay nakita nila na ang kinakagalitan ni Mrs. Velasquez ay ang kanilang anak, dali dali namang lumapit ang dalawa kay Kalix na ngayon ay naiiyak sa nangyari.
Aba’t ‘yang anak niyo, kanina ko pa napapansing puro tablet nalang ang inaatupag. Kinakausap ko’y hindi ako sinasagot, eh hindi naman naka connect ang headphones niya sa kanyang tabl-.
I don’t know mommy, I’m just playing my tablet here and then lola took it and started shouting at me. I also can’t understand what she’s saying
Anak, what happened? Why is your grandma getting angry at you, did you do something wrong?
: Nay, ano po bang nangyari? Bakit niyo ho kinakagalitan si Kalix?
Tignan mo nga ‘yan, nasabat habang nag uusap ang mga matatanda! Ni hindi niya maintindihan ang kanyang sariling wika, ni hindi alam ang ating kultura! Ayan ba ang napapala niya sa kanyang pag ta-tablet? Aba’t ayusin niyo iyan Knight, hindi nakakatuwang isipin na ang apo ko ay hindi alam ang ating wika at kultura at mas maalam pa sa gadgets gadgets na ‘yan
Of course it’s not connected lola, it’s a wireless headphones.