Iyan ang sigaw ng daan-daang taong nagtitipon ngayon dito sa harap ng Munisipyo sa aming munting bayan.Paano ba naman— Muling nagbabalik sa pwesto ang pamilyang hinding-hindi makakalimutan ng bawat mamamayan sa lungsod ng Kalayaan.Hinding-hindi makakalimutan… Nagkakamali yata ako?Sapagkat kung hindi nga ito nalimutan, bakit pa manunumbalik sa kapangyarihan ang pamilyang matagal nang pinatalsik dahil sa kanilang kasakiman?
Ang mga tao ba'y nakalimot o nagbubulag-bulagan na lamang?
ANG TAO, ANG BAYAN;NGAYON AY LUMALABAN
Pilit na inagaw ng mga Miranda mula sa amin ang aming mga ancestral lands, na nag-mula pa sa aming kanuno-nunuman
FLASHBACK ...
Sa amin ang lupang ito! Mula sa aming mga ninuno hanggang sa susunod na henerasyon ng mga anak namin, sa amin ang lahat ng iyan!
FLASHBACK...
Ngunit matapos ang mahabang banyagan, nagwagi ang pamilya Miranda. Nagawa pa rin nilang mag-diwang, tila walang pakialam sa hirap at iyak ng pamilya namin dahil sa#160; sapilitang pag-agaw nila sa aming lupain.
Naghalu-halong poot at kalungkutan ang aking naramdaman habang pinapanood ang aking pamilya na tinapak-tapakan ng mga makapangyarihan; Habang pinapanood ang aking amang unti-unting nawawalan ng buhay.
Bawiin mo ang atin, Anak. Isagani.
Tahimik lang ang buhay.
Nagtatrabaho kami at ginagawa ang lahat para may makain ngunit biglang dumating ang mga naghahari-harian.
Nagsimula ang araw na iyon nang tahimik at matiwasay.
Ngunit nagtapos ang araw nang masama sapagkat pinatahimik ang naninindigan.
Iyan ang sigaw ng pitong taong gulang na bata sa sakahan sa munting baryo ng Kalayaan.
HUSTISYA
Lalagpas man ng sampung taon ngunit ipapangako ko; Makakamit rin kita.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!