Linggo ng gabi at si Paul ay masayang nanonood ng telebisyon habang kumakain ng paborito niyang pagkain. Hindi niya alintana na marami siyang proyekto at takdang aralin na dapat tapusin dahil kinabukasan na ang pasahan kaya't pinapagalitan siya ng kaniyang Nanay ngunit hindi siya iniintindi ni Paul.
Slide: 2
(2)Konasensiya (Tama o Mali)
Hindi namalayan ni Paul ang oras at nagulat siya na kukulangin siya sa oras ng paggawa ng kaniyang mga proyekto at takdang aralin. Ang kaniyang Nanay ay natulog na samantalang siya ay nanonood pa rin ng telebisyon.
Slide: 3
(3)Konsensiya (Tama o Mali)
"Huwag mo ng gawin yan dahil hindi mo rin naman matatapos. Makiusap ka nalang sa iyong guro."
"Gawin mo! Sayang ang oras, baka may matapos ka pa na pwedeng mong maipasa bukas."
Sa dami ng gagawin ni Paul nag-iisip siya kung itutuloy pa ba gumawa dahil sigurado naman siyang hindi niya iyon matatapos lahat at makikiusap na lamang siya sa kaniyang mga guro na mauhuli siyang magpasa o gagawa siya para kung anuman ang kaniyang matapos ay pwede niyang maipasa.
Slide: 4
(4)Konsensiya (Tama o Mali)
Napagdesisyunan ni Paul na matulog na lamang at huwag ng gawin ang kaniyang mga proyekto dahil alam niyang hindi naman niya ito matatapos. Sigurado din siyang pagbibigyan siya ng kaniyang guro na magpasa ng huli.
Slide: 5
(5)Konsensiya (Tama o Mali)
Kinabukasa sa paaralan, nakiusap si Paul sa kaniyang guro na kung pwedeng magpasa siya ng huli dahil hindi niya ito natapos lahat
Slide: 6
(6)Konsensiya (Tama o Mali)
Pumayag ang kaniyang guro ngunit sinabing lahat ng kaniyang mga ipapasang proyekto ay may bawas na dahil hindi siya sumunod sa tamang araw ng pagpapasa ng mga ito. Malungkot si Paul dahil mali ang kaniyang naging desisyon na matulog na lamang at hindi gawin ang kaniyang mga proyekto. Mali din na hindi niya ito ginawa ng wala siyang pasok.