Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibon na ito ay ang garuda. Ito ay namiminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng mga mamamayan sa Kembayat.Kapag dumarating na ang garuda ay mabilis na nagsisitakbuhan ang mga tao. Takot na takot sila sapagkat ang garuda ay kumakain ng tao.
Slide: 2
Dahil sa pagtatakbuhan ng mga tao ay nagkahiwalay ang sultan at sultana. Nagdadalantao pa ang sultana at dahil sa sobrang takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito ay naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.
Slide: 3
May nakapulot naman sa sanggol, siya ay si Diyahura. Isa siyang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay ay lalo pang gumaganda. Siya ay masaya sa piling ng kanyang nakilalang magulang.
Slide: 4
Inimbitahan nI Lila Sari si Bidasari sa kaharian upang gawing dama pero palihim niya itong kinulong at sinaktan sapagkat natatakot siyang umibig kay Bidasari ang sultan dahil ito ay mas maganda sa kanya. Hindi na natiis ni Bidasari ang pagpaparusa sakanya kung kaya't sinabi niya na dito na kunin ang isdang ginto sa halamananan. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi ay ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay
Slide: 5
Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari kaya nagpagawa siya ng palasyo sa gubat at doon pinatirang mag-isa si Bidasari. Isang araw, ang sultan ay nangaso sa gubat . Nakita niya ang palasyo. Pumasok siya at nakita niya ang napakagandang babae na natutulog ngunit hindi niya magising. Bumalik siya kinabukasan at naghintay hanggang gabi . Naghintay siya hanggang gabi at nang mabuhay si Bidasari ay ipinagtapat nito sa sultan ang mga ginawa ni Lila Sari. Nagalit ang sultan kay Lila Sari at agad na pinakasalan si Bidasari.
Slide: 6
Samantala, ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahan sa Kembayat . Nagkaroon pa sila ng supling na nangangalang Sinipati. Pumunta ang isang anak ni Diyuhara sa Kembayat. Si Sinipati ay kamukhang-kamukha ni Bidasari kaya ibinalita niya ito. Nang magkita si Bidasari at Sinapati ay kapwa sila nangilalas. Natunton ng sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalan ay isa palang tunay na prinsesa.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!