Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria Clara kaya nagpatawag ng doktor si Kapitan Tiyago....
Ikinagagalak naming ipakilala ang aking pamangkin, si Don Alfonso Linares Espadana
Dumating sila Doktor Don Tiburcio De Espadana, kasama ang isang binatang Kastila.
Sa biglaang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang. Naniniwala siyang siya ay maganda kaya hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang nais niyang mapangasawa ay isang dayuhan.
Napilitan siyang masiyahan sa kanyang naging asawa na isang maralitang Kastila na taga-Espanya na itinaboyng bayang Extremadura at ipinadpad sa Pilipinas. Ang Kastilang ito ay si Don Tiburcio de Espadana na may 35 taong gulang, ngunit mukha pang mas matanda kaysa ni Donya Victorina.
Nakarating siya sa Pilipinas sa pamamagitan ng barko ngunit siya ay nabalian ng paa kaya nagpasiya na niyang manatili sa Pilipinas. Nakatanggap siya ng trabaho dahil sa tulong ng mga kababayang Kastila sapagkat hindi na man siya nakapag-aral kaya pinayuhan siya ng kanyang mga kababayan na magpanggap bilang isang mediko.
Nang sila'y makasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata.
Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Siya'y nagpusod-Espanyola at naglagay ng palamuti sa katawan.
Isang araw, may naisip si Donya Victorina......
Alam ko na! Magpapagawa ako ng isang karatula na naglalagay ng titulong medicina at cirugia.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!