Habang nagmimiryenda sila Kapitan Tiyago, Donya Victoria, Don Tiburcio, at Linares, biglang dumating si Padre Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga taga-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya
Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila, at sinabing may sakit ito ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa umaga ay liquen at gatas, Jarabe de Altea at dalawang Pildoras de Cinaglosa
Saglit na nautol ang walang kurap na pagkatitig ni Linares sa magandang mukha ni Maria nang sinabi ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso.
Samantalang si Linares ay ipinakilala ni Donya Victorina kay Maria. Nabigla si Linares sapagkat nakatuon ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubahang nagagandahan siya.