Search

Unknown Story

Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Ako ay isang Ata-Manobo. Pango, maitim, maalon ang buhok. Pangit ako kung titingnan sa salamin ng superpisyal na kultura na nagdodomina sa isip ng mga tao.
  • Ang maliliit na bato, mga molekula ng mineral, hibla ng mga patay na damo, ang kapiranggot na lupa ng aming mga ninuno, ay kumakatawan sa isang Ata-Manobo. Hindi ako makalilimot.
  • "What's that?" tanong ni Ms. Winters. "This is what is left of my people." Hawak ko ang bote isang hapon, sa tabi ng bintana, tinititigan.
  • Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura. Isang bote lamang ng lupa ang dala-dala ko ngunit ngayon ay nakapagtapos ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod. May mga pagkakataon na kami'y nagkuwekuwentuhan na parang "mag-ina", siya daw ay 'di ligawin ng mga lalake noong Junior High.
  • Isang Ata-Manobong iskolar, nagtapos sa prestihiyosong unibersidad, waring isang istoryang katumbas ng pagkakakita sa isang sasakyang pangkalawakan ng mga nillalang galing ibang planeta.
  • Kinabukasan, bago pumunta ng paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay.Paalam.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family