(1) Tunay akong namamangha sa ating pinanood na pelikulang pinoy! Maayos at malinaw ang mga salitang binibigkas nila. Iba pa rin talaga ang dating kapag sariling wika natin ang ginagamit.
(2) Parehas tayo ng iniisip! Labis akong natutuwa na pinanood natin ito kaysa sa ibang pelikula. Habang pinapanood ko ito kanina ay hindi ko mapigilan na maisip kung gaano kaganda ang ating wika.
(3) Oo nga! Hindi ko tuloy maiwasan na maisip ang buhay natin ngayon kung tuluyan na tayong nasakop ng mga iyon. Malaya kaya tayo?
(1) Sa tuwing ako ay nakakarinig, makakabasa, o makakanood ng may wikang Pilipino ay tiyak ang tuwa na nararamdaman ko sapagkat aking iniisip na kahit pa nahahaluan na tayo ng iba pang wika ay ating ginagamit at pinapahalagahan ang ating matatawag na sariling wika.
(2) Hala! Dahil binanggit mo ang ibang kawikaan, bigla tuloy sumagi sa aking isip ang itinuro sa atin kahapon ng ating guro. Yung tungkol sa pagsakop ng mga Espanyol at Amerikano sa ating bansa.
(4) Hindi ko alam pero ang masasabi ko lang ay kung tuluyan tayong nasakop, mawawalan tayo ng sarili nating tinatawag na bansa at wala rin tayong itinuturing na sariling kultura na ating ginagamit ngayon.
(1) Buti na lamang at napigilan ng ating mga bayani ang mga iyon. Napakasarap kaya sa pakiramdam na may maipagmamalaki tayong sarili nating bansa at wika.
(2) Tama ka riyan, nakakatuwa dahil patuloy pa rin ang pag unlad ng Pilipinas at tinatangkilik pa rin ng lubusan ang ating sariling yaman at kultura.
Kakatapos lamang manood sa sinehan ang magkaibigan at sila ay kasalukuyan na naglalakad palabas sa lugar na nabanggit. Habang naglalakad ay napag usapan nila ang kanilang pinanood na pelikulang pinoy at nagbigay ng kanilang saloobin ukol dito.
(1) Hangad ko na mas marami pa ang magbigay atensyon sa kultura at maging sa produkto ng Pilipinas sapagkat gusto ko na mas mapaunlad pa ang ating bansa at makilala ito bilang pagmamay-ari ng mga Pilipino lamang.
(2)Ninanais ko rin na lahat ng mga bata at kabataan sa Pilipinas ay maging pamilyar at makilala nang lubusan ang sarili nilang bansa. Sana ay hanggang sa mga susunod na henerasyon ay maingatan pa rin ang Pilipinas.
Patuloy silang nagpalitan ng salita habang papalabas ng sinehan. Halata sa kanilang mukha ang pagkamangha at ang kasiyahan.
Nahinto sila sa pag-uusap dahil nagpasya muna sila na pumunta sa isang kainan. Nang makapunta na sila sa kanilang destinasyon ay agad nilang itinuloy ang usapin nila.
Ang magkaibigan ay masaya at kuntento na nakalabas ng pasyalan habang dala dala ang kanilang paghanga sa sariling bansa.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!